Excited ang aktres na si Beauty Gonzalez dahil may bago na naman siyang maipapakita sa upcoming afternoon drama series nito sa GMA-7, ang Stolen Life.
Gaganap si Beauty bilang si Farrah, isang babaeng salat sa buhay na mag-aasam makuha ang perfect life ni Lucy sa pamamagitan ng astral projection.
Ang karakter ni Lucy ay gagampanan ni Carla Abellana.
Kasama rin nila rito si Gabby Concepcion na gaganap naman bilang si Darius, ang asawa ni Lucy.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 16, 2023, excited na ibinahagi ni Beauty na ito ang kanyang kauna-unahang fantasy-themed series.
Kuwento niya, "I have a new show now, it’s gonna be with GMA again... I’ll be working with Carla Abellana and Gabby Conception.
"It’s called the Stolen Life. It’s about astral projection.
"It’s kinda new kasi I’ve never done fantasies, kasi natatawa ako sa sarili ko na nagpa-fantasy ako."
Sa July 2023 pa nakatakdang ipalabas ang serye, pero ayon kay Beauty, nakapagsimula na silang mag-shooting para sa Kapuso afternoon drama series.
Aniya, "I’ve been shooting already since January when I got back from Sundance Festival so, ayun, nag-start na kami."
Isa pa sa ikinatutuwa ni Beauty sa Stolen Life ay ito rin ang kanyang reunion project kasama si Jerry Lopez Sineneng, na kanyang naging direktor sa ABS-CBN drama series na Kadenang Ginto.
Saad ng aktres, "I’m very happy kasi I get to be reunited with my director of Kadenang Ginto, Direk Jerry Sineneng. So, he’s our director of this show.
"It’s gonna be a very, very fun show, and I... it’s gonna be exciting. Excited ako sa story kasi sobrang kakaiba.
"Magsu-switch kami ng character ni Carla, e, so I’m not only going to be a kontrabida but it’s gonna be like a bida-kontrabida for both of us."
Aminado si Beauty na nagulat siya nang malamang si Direk Jerry ang kanyang magiging direktor sa susunod niyang proyekto sa GMA-7, lalo't isa ito sa huling nakatrabaho niya sa Kapamilya network bago ang pandemya.
Natapos ang Kadenang Ginto noong February 2020, ilang linggo bago magsimula ang lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Pagbabahagi ni Beauty, "I was shocked kasi nung pandemic, ang bilis lang, ngayon tapos na, and now I see him again.
"Okay, round two, but not Kadenang Ginto... I can’t wait for people to see Farrah in a different way, yeah. That’s the name of my character, iba naman.
"So, it’s gonna be really bloody-mary fun."
Noong November 2021 opisyal na naging bahagi ng Kapuso network si Direk Jerry. Ilan sa mga nagawa na nitong proyekto sa GMA-7 ay ang Widow's Web at Start-Up PH.
Ang huling proyekto ng direktor sa Kapamilya network ay ang La Vida Lena na pinagbidahan ni Erich Gonzales.
READ MORE: