DAVID LICAUCO ON STAYING GROUNDED DESPITE GROWING POPULARITY: "HINDI PUMAPASOK SA ISIP KO NA, 'AH, ARTISTA AKO DAPAT MAY SPECIAL TREATMENT AKO.'"

Tuloy pa rin ang pamamayagpag ng tambalan nina David Licauco at Barbie Forteza kahit nagtapos na ang kanilang prime-time series sa GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.

Marami pang dapat abangan ang #FiLay at #BarDa fans dahil may ilang proyekto nang nakalinya kina David at Barbie sa mga susunod na buwan.

Kinumpirma mismo ito ng tinaguriang "Pambansang Ginoo" sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng biggest store ng Skechers sa Glorietta 3, Makati City, noong March 9, 2023.

Nauna na nga rito ang "Lady and Luke" episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na tatakbo ngayong buong buwan ng Marso tuwing Linggo.

Umaasa si David na patuloy pa rin ang suporta ng kanilang fans sa mga susunod nilang proyekto.

"They will be seeing me and Barbie a lot this year so I hope na suportahan pa rin nila.

"Kahit hindi na siya Maria Clara, sana suportahan pa rin nila ako kasi, wala lang!" natatawang dagdag nito."

DAVID ON HIS RISING POPULARITY

Sa nasabing event, napuno ang isang bahagi ng mall ng fans na nag-aantay makita at maka-selfie si David.

Pahayag ng Kapuso heartthrob, hindi pa rin siya sanay sa atensiyong nakukuha niya mula sa fans simula nang sumikat ang Maria Clara At Ibarra at ang #FiLay love team.

Ngunit alam ni David na may kaakibat na mas malaking responsibilidad ang tinatamasang kasikatan.

Aniya, "Well, hindi pa rin, kumbaga minsan, parang minsan kasi, for me normal pa rin naman ako e...

"There’s more responsibilities now. But as you can see, the fans are, like, talagang pinagdadayo nila ako kung saan ako pupunta kaya sobrang na-appreciate ko yun.

"Kung alam lang nila kung gaano ka-big deal yun sa akin. Kasi, kumbaga, sigurado ako lahat sila may pinagdadaanan sa buhay, meron silang trabaho...

"And for them to, like, really visit me every time that I have an event, I just can’t help but be thankful.

"And minsan nakaka-emotional na yung mga ganung bagay."

Nakakalad pa rin ba siya sa mall mag-isa?

Saad ni David, "Nakakalakad naman pero siyempre may mga magpapa-picture, ganyan."

Sinasanay raw ni David ang sarili sa tuwing magkakaroon ng ganitong eksena sa kanyang private time, lalo't isa ito sa mga bagay na maaari niyang gawin upang ma-reciprocate ang suporta ng fans.

Ayon sa aktor, "I just have to feel, I just have to be comfortable with it, kasi this is my life now. And yun, it’s a blessing that I’m a public person na, di ba?

"This means na mayroon ka magandang ginagawa.

"Like, I mean, how is that bad na people come up to you and say, 'You’re doing a good job with your character as Fidel,' di ba?

"So, hindi naman ganun kahirap pero minsan nakaka-miss din yung privacy. Of course, tao rin ako.

"But then, kailangan ko lang i-psyche sarili ko, like to shift, kumbaga, yung pagka-miss ko dun [to] yung positive side of it. Kasi, again, not everyone is given this opportunity."

STAYING GROUNDED

Nang tanungin naman kung paano niya pinapanatiling grounded ang sarili, sinabi ni David na hindi niya hinahayaang umakyat sa kanyang ulo ang tinatamasang kasikatan ngayon.

Bagkus ay ito pa raw ang nagpapaalala sa kanyang hindi siya dapat mag-expect ng anumang "special treatment."

Ani David: "Honestly, like being an artista, being a celebrity, it’s just like any other job, you know.

"Kumbaga, it’s just that I’m blessed na I have a platform where I can inspire others.

"Hindi pumapasok sa isip ko na, 'Ah, artista ako, dapat may special treatment ako.' Kasi totoo naman, pantay-pantay naman, e.

"Kung doktor ka, ganun din. Kung ikaw writer ka sa PEP, ganun din naman, e.

"Pare-parehas lang tayo. Gusto lang natin makalabas ng mundong ito na successful, so yun lang."

Sa pagtatapos ng interview, nag-iwan si David ng mensahe para sa kanyang mga tagasuporta.

"To all the fans, I truly appreciate you guys, like everything you do for me, like all the things, like showing me love every single day...

"And for, like, always showing up, like, here in Glorietta, kasi for sure hindi naman lahat sila malapit dito.

"Na-appreciate ko yun and galingan niyo sa lahat ng ginagawa ninyo, importante yun."

READ MORE:

2023-03-18T08:15:06Z dg43tfdfdgfd